-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 400 special bus permit applications ang natanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa nalalapit na Undas.

Ito ay katumbas ng 1,200 hanggang 1,200 bus units na maaaring mamasada sa kasagsagan ng Undas exodus o inaasahang pagbiyahe pauwi sa probinsiya ng milyon-milyong mga Pilipino para bisitahin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang mga naturang bus unit ay maliban pa sa mga regular na bumibiyahe na may karaniwan prankisa at dati nang sinusunod na mga ruta.

Batay sa inisyal na plano ng LTFRB, simula sa huling lingo ng Oktobre ay maaari nang gamitin ang mga ilalabas nitong special permit at maaari nang mamasada ang mga unit na nakakuha nito.

Magtatagal ang validity hanggang November 5, kung kailan inaasahang magsisipag-balikan na ang mga biyahero sa kani-kanilang trabaho.

Sa ngayon, wala pang actual na bilang ng mga bus unit na naaprubahan ng transportation board.

Karaniwang nagsisimula ang Undas exodus tuwing huling lingo ng Oktubre.