-- Advertisements --

Inihayag ni Private prosecutor Lorna Kapunan na nasa panig na umano ng depensa ni Vice President Sara Duterte ang burden of evidence matapos ang 32 hearing dates at pagtalakay sa tatlo sa apat na impeachment articles.

Ayon kay Kapunan, kailangang ipaliwanag ng depensa kung bakit hindi umano nakita sa SALN ni Duterte at ng kanyang asawang si Manases “Mans” Carpio ang ilang property at 51 firearms na iniuugnay sa kanila.

Iginiit ni Kapunan na nailatag na ng prosecution ang mga testimonya, dokumento at iba pang ebidensya kaugnay ng article III, na tumatalakay sa umano’y betrayal of public trust, paglabag sa konstitusyon at unexplained wealth.

Aniya, tungkulin naman ngayon ng depensa na patunayan kung naideklara ang mga naturang asset o kung may ibang paliwanag sa umano’y hindi pagkakatugma ng mga ito sa SALN, kabilang ang posibilidad na good faith o honest mistake.

Natapos na ng prosecution ang presentasyon nito sa articles I at IV, habang Hindi pa tinatalakay ang article III na may alegasyon ng bribery sa mga opisyal ng Department of Dducation noong kalihim pa ng ahensya si Duterte.