Nakapagtala ng record high ang Department of Health (DOH) sa mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, June 23, na umabot sa 1,150. Dahil dito, pumalo na sa 31,825 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
BREAKING: Nakapagtala ng 1,150 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang DOH ngayong araw, June 23. Pumalo na ang total sa 31,825.
— Christian Yosores (@chrisyosores) June 23, 2020
Nay 789 na "fresh" at 361 "late cases."
Total recoveries (299 new): 8,442
Total deaths (9 new): 1,186 | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/c1RetMHzD6
Mula sa nasabing bilang, 789 ang “fresh cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.
Nasa 361 naman ang “late cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw, pero ngayon lang na-validate.
Ang 1,150 na mga bagong kaso ang pinakamataas na naitalang bilang ng new confirmed cases mula noong May 29 na pumalo sa 1,046.
Nasa 8,442 naman na ang total recoveries dahil sa 299 na bagong gumaling.
Samantalang 1,186 na ang total deaths, dahil naman sa siyam na bagong namatay.
Ayon sa DOH, pito mula sa siyam na bagong deaths ang namatay sa pagitan ng mga petsang June 1 hanggang 12.
May limang duplicate cases at dalawang negatives ang tinanggal sa total case count.
Paalala ng ahensya, asahang magbabago pa ang total number of cases dahil sa patuloy na paglilinis ng backlog at validation.