Nakatakdang magsagawa ang International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III ng status conference sa kasong crime against humanity laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte ngayong Miyerkules, Setyembre 16.
Magsisimula ito ng dakong 4:30 ng hapon oras sa Pilipinas.
Sa nasabing ikatlong status conference ay tatalakayin ng chamber ang ilang usapin gaya ng listahan ng mga witnesses, listahan ng mga ebidensiya, mga disclosure sa mga defense at ilang posibleng insidente.
Kasama rin na tatalakayin ang pagtatalaga ng schedule sa trial proper na magsisimula sa Nobyembre 30 kabilang ang panukalang magkakasunod na pagdinig na mayroong breaks at sitting hours.
Hindi naman matiyak kung makakadalo ng personal ang dating pangulo subalit kailangan pa rin nitong ipresenta ang sarili sa mga ICC judges mula ng ito ay maaresto noong Marso 2025.
















