Notoryus na lider ng carnapping group na si Ivan Padilla, patay na

(Update) Pumanaw na ang pinuno ng notoryus na Ivan Padilla carnapping syndicate na sinasabing responsable sa pagnanakaw ng mga mamahaling sasakyan nina Amb. Roberto Romulo at ng pamilya ng aktor na si Derek Ramsay.

Binawian ng buhay si Padilla sa Ospital ng Makati kung saan ito isinugod matapos makipagbarilan sa mga otoridad.

Ayon kay NCRPO spokesman Supt. Rommel Miranda, dakong alas 4:30 kaninang madaling araw nang mamataan ng kanilang mga operatiba sa Makati Avenue ang suspek at nakipagpalitan pa ng putok.

Dahil dito, agad gumanti ang mga pulis at nasugatan si Padilla.

Bukod kay Padilla, una na ring naaresto ang iba pa nitong mga kasamahan na naaktuhan sa ilang operasyon noong nakaraang linggo.

This content has been locked. You can no longer post any comment.

Alternative flash content

You need to upgrade your Flash Player

Get Adobe Flash player

Banner

Weather Update

Site Meter