LA UNION – Nanawagan si Dr. Eduardo Posadas, Provincial Health Officer, sa mga indibiduwal na iwasang ang pagkalat ng maling impormasyon ukol sa 2019 N-COv.
Sinabi sa Bombo Radyo La Union ni Dr. Posadas na hindi dapat ginagawa ito ng ilan dahil magkakaroon ng masamang impact at pag-panic sa mga tao.
Kasabay nito, nanawagan din si Dr. Posadas sa publiko na huwag basta maniwala sa mga nababasa at nakikita sa social media, lalo na kung hindi naman beripikado.
Kinumpima ni Dr. Posadas na nananatiling ligtas ang lalawigan ng agtaltalinaed La Union mula sa nasabing klase ng virus.
Gayunman, ayaw nilang magkampante lalo na’t may mga Chinese tourist na pumapasok sa dito.
At bilang precaution, inatasan ng opisyal ang surveillance coordinator ng PHO na bisitahin ang mga district hospitals at rural health units (RHUs) sa buong La Union para alamin ang mga nangungunang sakit sa kanilang nasasakopan.