|
 
| 3/14/2010 10:03:45 AM |
| 7.0-magnitude na lindol, yumanig sa Indonesia |
JAKARTA, Indonesia -- Niyanig ng malakas na 7.0 magnitude na lindol ang Maluku island sa silangang bahagi ng Indonesia, ngayong umaga lamang. Batay sa impormasyong ipinalabas ng Indonesian Meteorology and Geophysics Agency, naitala ang sentro ng lindol may 132 kilometro timog-silangan ng Labuha, North Maluku at ito ay may lalim na 56 kilometro. Sa hiwalay na datus mula sa US Geological Survey, naitala ang lindol 9:57 ng umaga kanina. Sa kasalukuyan ay wala pang tsunami warning na ipinapalabas ang mga otoridad. |
|
| 3/14/2010 9:08:32 AM |
| Bomb-making camp ng ASG, nabawi ng militar |
ZAMBOANGA CITY -- (Update) Patuloy pa rin ang ginagawang clearing operations ng militar sa Basilan, kasunod na pagkaka-kubkob sa isang training at bomb-making camp ng bandidong Abu Sayyaf sa kabundukan ng Brgy. Baiwas sa bayan ng Sumisip. Nabawi ng mga sundalo ang kampo sa area na kung tawagin ay "Hill 850" makalipas ang ilang oras na engkuwentro. Tatlo sa mga ASG members ang nasawi at 12 iba pa ang sugatan habang 7 naman sa panig ng gov't troops ang wounded in action.
|
|
| 3/14/2010 8:05:37 AM |
| What Pacman, Clottey must do to win by Alex Vidal |
DALLAS , Texas – With all odds stacked against Joshua Clottey, the Ghanaian welterweight contender must work hard to claim the WBO welterweight championship against the heavily favored Filipino superstar Manny Pacquiao when they clash February 13 in a 12-round title fight at the Cowboys Stadium in Arlington. But what each protagonist must do to win in the first ever boxing championship card assembled by Top Rank in the cavernous $1.3 billion stadium?
|
|
| 3/14/2010 7:30:06 AM |
| 'Last minute' na pustahan sa Vegas, matumal na |
LAS VEGAS - Naging mahina na umano ang pustahan sa tinaguriang "Sin City" para sa inaabangang Manny Pacquiao vs. Joshua Clottey fight, na mangyayari ilang oras na lamang mula ngayon. Ito ay dahil sa masyadong mataas na ang betting odds sa pagitan ng dalawang boksingero. Sa pinakahuling report sa Las Vegas, mula sa 8 to 1 odds ay bumaba na ang pustahan sa 7-1, kung saan ang $700 o P32, 2000 na halaga ng pusta kay Pacquiao ay mananalo lamang ng $100 (P4,600) kapag natalo nito sa Clottey.
|
|
| 3/14/2010 7:07:43 AM |
| 27, patay sa serye ng pagsabog sa Kandahar |
KANDAHAR -- Umakyat na sa 27 ang kumpirmadong patay sa serye ng mga pagsabog sa siyudad ng Kandahar, Afghanistan. Maliban sa fatalities, 52 katao pa ang sugatan sa nabanggit na insidente ayon kay Abdul Qayoom Pukhla, Kandahar public health director. Batay sa report, limang halos magkasunod na pagsabog ang yumanig sa iba't ibang bahagi ng siyudad. Ang siyudad ng Kandahar ay dating balwarte ng Taliban bago napalayas ang grupo kasunod ng nangyaring 2001 US-led invasion.
|
|
| 3/14/2010 5:24:24 AM |
| Jackpot sa Power Lotto, P101-M na - PCSO |
Pumalo na ngayon sa halagang P101,591,055.00 ang jackpot prize para sa Power Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa ulat, walang nakakuha ng nasabing pot money sa pinakahuling draw na ginanap kagabi via electronic raffle. Lumabas kasi ang number combination na: 38-04-40-23-33-01 para sa naturang lottery game.
|
|
|
Bomb-making camp ng ASG, narekober ng militar sa Basilan |
7.0-magnitude na lindol, yumanig sa isla ng Maluku, Indonesia |
Pacman dumalo muna sa misa; Mommy Dionesia todo dasal naman sa Gensan |
(Update) RP's Michael Farenas vs Joe Morales fight, tinigil dahil sa headbutt |
'Last minute' na pustahan sa Vegas, matumal na |
Eden Sonsona, panalo via KO sa undercard ng Pacquiao-Clottey event |
Strengths and weaknesses of Pacquiao, Clottey by Alex P. Vidal |
PNP at AFP, alerto sa kabila ng zero crime rate sa panahon ng Pacman fight |
Brownout at maintenance schedule, kanselado dahil sa Pacman fight |
Pacquiao-Clottey fight, lalo pang pinananabikan |
(Update) 10 sakay ng bangka sa Batangas, nailigtas na |
Pacman, agad na nilantakan ang paboritong pagkain matapos ang weigh-in |
|
|
|
|
|