Nilinaw ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maliit lang ang magiging epekto sa sektor ng agrikultura ng kasalukuyang El Niño na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa.
Sa isang press briefing sinabi ni NEDA Asec. Mercy Sombilla, na tiyak naman na talagang makaka-apekto sa produksyon ng mga tanim ang labis na tagtuyot.
Pero asahan umano na maliit ang tsanang makaapekto ito sa kabuuan.
Katunayan karamihan pa raw sa mga magsasaka ngayon sa Nueva Ecija ang nagsabing hindi apektado ng El Niño ang kanilang mga pananim na palay.
Ani Sombilla, malaking bagay ang maagang paalala ng Department of Agriculture sa rice at corn farmers para hindi na rin muna sila magpunla ng mga binhi ngayon.
“May epekto siya, hindi man puwede mawawala ‘yung epekto niyan. Pero hindi siya katindi na makakaapekto sa ating production.”
Pati na ang assistance ng gobyerno sa mga magsasaka para hindi tumunganga sa panahon ng tag-tuyot ay tila epektibo rin naman daw.
“Nagsasabi na sila (DA) sa mga farmers na pagdating ng ganito huwag muna kayong magtanim o bibigyan nila ng pananim na drought resistant para ang income nila hindi maapektuhan, para makakapag-ani nang makakapag-ani.â€
Batay sa huling datos ng DA pumalo na sa P1.3-bilyon ang halaga ng danyos na iniwan ng El Niño sa buong bansa.
Sa Occidental Mindoro, umabot na ito sa P160-milyon na halaga.
Pinapurihan din ng opisyal ang Pagasa dahil sa maagang advisory tungkol sa Niño na nagbigay daan naman sa maagang paghahanda ng pamahalaan kontra rito.