You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBaka takot ang mga mambabatas kay Napoles - Bishop Arguelles

Baka takot ang mga mambabatas kay Napoles - Bishop Arguelles

By  Ronald Tactay Posted in Latest News Wednesday, 14 August 2013 08:05

Nakiisa na rin ang iba pang miyembro ng simbahan sa naging panawagan ni Manila Archbishop Antonio Cardinal Tagle sa mga mambabatas na sangkot sa maanomalyang pork barrel scam na makiisa sa gagawing imbestigasyon.

 

Sinabi ni Lipa, Batangas Archbishop Ramon Arguelles, bagama't suportado niya ang ginawang Senate investigation pero may pangamba siya sa ibang senador.

 

Ayon kay Arguelles, nagtataka siya kung bakit hindi isinasalang sa imbestigasyon si Janet Lim-Napoles.

 

Pakiwari ng obispo, baka involved ang ilang senador dahil iniiwasan si Napoles.

 

Una rito, naging emosyunal si Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isyu ng pagkakadawit ng ilang mga mambabatas sa anomalya sa paggamit ng kanilang mga pork barrel fund.

 

Nanawagan ang kanyang kabunyian sa mga mambabatas na makonsensya naman sa paggastos sa pondo ng bayan.

 

Hinamon pa niya ang mga sangkot sa anomalya na bisitahin ang mga mahihirap sa mga squatters area, mga taong wala man lamang matulugan.

 

Dahil dito sinuportahan ng cardinal ang ginagawang imbestigasyon upang malaman ang katotohanan lalo na kung sinong mga congressman at senador ang nasasangkot sa pagwaldas sa pera ng bayan.

 

Samantala, aminado ang Department of Justice (DoJ) na matatagalan bago matapos ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na P10 billion pork barrel scam.

 

Ayon kay DoJ Sec. Leila de Lima, dahil sa lawak ng sakop ng imbestigasyon ng NBI ang magpapatagal sa pagtatapos nito.

 

Kaugnay nito, maghahain na ng kaso ang NBI sa Office of the Ombudsman laban sa mga kongresista at alkalde na dawit sa pork barrel scam.

 

Dagdag ng kalhim, napatunayan na nila ang pagkakasangkot ng ilang mambabatas sa scam. Hindi naman binanggit ng kalihim ang mga pangalan na dawit sa isyu.

Read 623 times Last modified on Wednesday, 14 August 2013 08:07

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.