You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPalasyo pabor sa pabuya vs Napoles

Palasyo pabor sa pabuya vs Napoles

By  Posted in Latest News Saturday, 24 August 2013 12:20

Pabor si Budget Sec. Butch Abad na magkaroon ng pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa pinagtataguan ni Janet Lim-Napoles na siyang mastermind umano ng pork barrel scam.


Hanggang sa ngayon, hindi pa nahahanap ng NBI ang suspek sa kabila ng kinakaharap na arrest warrant hinggil sa serious illegal detention case.


Sinabi ni Sec. Abad, maganda ito para tataas ang interes sa paghahanap kay Napoles at makahikayat sa taongbayan na magsusumbing.


Pero ayon kay Abad, hindi nito madesisyunan dahil hindi saklaw ng kanyang ahensya ang usapin bagama't siya rin ang senior political adviser ng Pangulong Noynoy Aquino.


Bahala na daw dito ang NBI o DoJ na ikonsidera kung kailangan na ang pabuya para lanag maaresto si Napoles sa lalong madaling panahon.

Read 661 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.