You are here: HomeNews UpdateLatest NewsBagyong Yolanda, patuloy ang paglakas - Pagasa

Bagyong Yolanda, patuloy ang paglakas - Pagasa

By  Bombo News Team Posted in Latest News Wednesday, 06 November 2013 07:05

Patuloy ang ginagawang pagpapaalala ng Pagasa sa mga lugar na posibleng dadaanan ng binabantayang malakas na bagyo. 

 

Sa latest forecast ng Pagasa, ang typhoon 'Haiyan' o bagyong Yolanda kapag pumasok na sa Philippine area of responsibility ay huling namataan sa layong 1,560 kilometro silangan ng Mindanao at taglay ang lakas ng hangin umaabot sa 120 kilometro kada oras at pabugsong 150 kilometro bawat oras. 

 

Kumikilos ang nasabing sama ng panahon pa-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour (kph). 

 

Kung hindi magbabago ang tinatahak ng binabantayang bagong bagyo, papasok na ito sa Pilipinas bukas ng umaga kung saan tutumbukin ang eastern Mindanao at magla-landfall sa Samar area.

 

Dahil sa lakas ng hangin na taglay nito, posibleng magtaas ng signal number 4 ang Pagasa.

Read 1038 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.