You are here: HomeNews UpdateLatest News(Update) 2,357 na ang nasawi sa bagyong Yolanda - NDRRMC

(Update) 2,357 na ang nasawi sa bagyong Yolanda - NDRRMC

By  Posted in Latest News Thursday, 14 November 2013 07:36

Umakyat na sa 2,357 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas.

 

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa nuturang bilang, nasa 77 pa ang nawawala habang nasa 3,853 ang nasugatan.

 

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa lalawigan ng Leyte lalo na sa lungsod ng Tacloban.

 

Nasa 1.7 million na pamilya o katumbas ng 8 milyon katao ang naapektuhan ng kalamidad mula sa Regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 10, 11 at CARAGA.

 

Sa ngayon mahigit sa kalahating milyong katao pa ang patuloy na inaayudahan ng gobyerno na karamihan ay nasa evacuation centers.

 

Nabatid na umabot sa 236,989 na bahay ang nasira ng bagyo.

 

Sa ngayon nasa P4 bilyon na ang inisyal na pinsala ng kalamidad sa imprastraktura at agrikultura maliban pa sa mga ari-arian.

Read 614 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.