You are here: HomeNews UpdateLatest NewsRuby Tuason ibabalik ang nakuhang pera mula sa PDAF at Malampaya scam - lawyer

Ruby Tuason ibabalik ang nakuhang pera mula sa PDAF at Malampaya scam - lawyer

By  Posted in Latest News Friday, 07 February 2014 06:04

Kinumpirma ni Atty. Dennis Manalo ang pagiging statewitness ng kanyang kliyente na si Ruby Tuazon kaugnay ng kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel at Malampaya fund scam.

 

Si Tuason ay dating social secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada na kabilang sa sinampahan ng kasong plunder sa Ombudsman kasama sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr.

 

Ayon kay Manalo nasa ilalim na ng witness protection program ng Department of Justice (DOJ) si Tuason na kaninang madaling araw ay dumating na sa Pilipinas galing Estados Unidos.

 

Sinabi pa ni Manalo na matagal na ring isinaayos ng NBI ang pagbigay ng protesyon kay Tuason lalo na't handa aniya itong iditalye ang lahat ng mga nalalaman sa kontrobersiyal na eskandalo.

 

Binigyang diin pa ni Manalo na lahat ng mga nakuha ni Tuason mula sa sinasabing pork barrel scam ay nakahanda nitong isauli dahil aminado umano itong hindi sa kanya ang pera.

 

"Siya po ay nagbigay ng kaniyang full cooperation sa NBI at DoJ. Ang kaniya pong sasabihin ay ang buong katotohanan," ani Manalo.

Nabatid na batay sa rekord si Ruby Tuason ang nakalabas ng bansa na sinasabing nakakuha ng P243 million mula sa ghost project na Malampaya funds na nagmula sa kinita sa natural gas field sa Palawan na sinasabing may 2.7 trillion cubic feet na natural gas reserves na siya ngayong ginagamit sa tatlong power plants sa Luzon.


Sa pagbubunyag ng testigong si Marina Sula, ang finance clerk ni Napoles na minsan siyang naghatid ng malaking pera sa agent ng isang senador na kinilalang si Ruby Tuason.

 

Napag-alaman na si Tuason na una nang kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman ay nakalabas na ng bansa.

 

Kasama ni Tuason na nakasuhan ng plunder ay sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dating Budget Secretary Rolando Andaya, at maraming iba pa.
 

Read 456 times Last modified on Friday, 07 February 2014 06:11

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.