You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMga magulang ni Jessica Soho sa publiko: 'Huwag na patulan si Vice Ganda'

Mga magulang ni Jessica Soho sa publiko: 'Huwag na patulan si Vice Ganda'

By  Bombo La Union Posted in Latest News Wednesday, 29 May 2013 15:55

LA UNION - Umaapela ngayon ang mga magulang ng batikang news anchor/TV host na si Jessica Soho sa mga kaanak at tagahanga nito na huwag ng patulan ang komedyanteng si Vice Ganda.

 

Kaugnay ito ng kontrobersyal na pagbibiro ni Vice Ganda sa vice president for news programs ng GMA 7 sa kanyang concert kamakailan.

 

Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union sa ina ng TV host na si Ginang Clara Soho, sinabi nito na sunud-sunod na tawag at text ang mga natanggap nila ng kanyang mister na si Ginoong Abelardo Soho matapos lumabas ang balita hinggil sa mga biro ni Vice Ganda.

 

Ayon kay Ginang Soho, ang tanging sagot lamang nila ng kanyang mister ay huwag ng patulan ang komedyante.

 

Aniya, maaaring nais lang ni Vice Ganda na mas lalo pang sumikat kaya nito ginamit sa pagbibiro ang pangalan ng kanyang anak.

 

Dagdag pa ng ina ng mamamahayag, kilala nila si Jessica at tiyak na hindi rin papalakihin pa ang isyung ito.

 

Samantala, nagpahayag din ng pagkadismaya ang ilang mga kababayan ni Soho sa bayan ng San Juan, La Union dahil sa mga biro ni Vice Ganda.

 

Hindi umano magandang huwaran sa larangan ng entertainment si Vice Ganda dahil sa kanyang "gang-rape joke" at ang panlalait nito sa kapwa para lang makapagpatawa.

 

Una ng nag-public apology ang komedyante kay Soho, pero hindi pa raw handang makipag-usap ang news anchor kay Vice Ganda.

Read 1248 times Last modified on Wednesday, 29 May 2013 17:24

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.