You are here: HomeNews UpdateLatest NewsCashier ng restaurant patay, driver kritikal nang sumalpok ang sinasakyan sa truck sa Zamboanga

Cashier ng restaurant patay, driver kritikal nang sumalpok ang sinasakyan sa truck sa Zamboanga

By  Posted in Latest News Wednesday, 26 June 2013 09:08

ZAMBOANGA CITY - Patay ang isang babaeng cashier ng restaurant habang kritikal naman ang kasama nitong driver makaraang sumalpok ang sinasakyan nila sa nakaparadang truck sa may MCLL Highway, Barangay Culianan sa Zamboanga City.

 

Batay sa report ng pulisya, nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktimang si Sheila Atilano Santiago, 35, residente ng Barangay Mercedes sa lungsod ng Zamboanga na kaagad nitong ikinamatay.

 

Agaw-buhay naman ngayon sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC) ang driver ng sasakyan na si Dexter Climaco y Fabian, 35.

 

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na sana ang mga biktima bandang hatinggabi nang magkaroon ng problema ang sinasakyan nilang Toyota sports-type vehicle hanggang sumalpok ito sa 6-wheeler truck na nakaparada sa tabi ng kalsada.

 

Inaalam pa ngayon ng otoridad kung sino ang may-ari ng nasabing truck at kung may pananagutan din ito sa nangyaring aksidente. (MRDS)

Read 564 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.