You are here: HomeNews UpdateLatest News51 Army battalions naka-deploy sa Western Mindanao - AFP chief

51 Army battalions naka-deploy sa Western Mindanao - AFP chief

By  Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 05:14

Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of staff General Eduardo Anio ang nagkumpirma na nasa 51 battalions ang naka-deploy ngayon sa may bahagi ng Western Mindanao Command (Wesmincom) kung saan nag-o-operate ang mga bandidong Abu Sayyaf.

 

Sinabi ni Anio na ito ang kauna-unahan sa history ng militar kung saan nagkaroon sila ng massive deployment ng mga tropa.

 

"In the Wesmincom area kung nasaan yung Abu Sayyaf at saka mga terrorist groups, 51 battalions ang naka deploy dito, not in our history there has been that massive deployment of our troops," wika ni General Anio.

 

Ang deployment ng nasa 51 battalions ay bahagi sa kampanya ng AFP para tugisin ang bandidong Abu Sayyaf, at iba pang mga local terrorist group gaya ng Maute terror group, Ansar Khilafa group at BIFF.

 

Batay sa ulat nasa siyam na battalion ng mga sundalo ang kasalukuyang naka deploy sa probinsiya ng Sulu.

 

Inihayag din ni Gen. Anio na mahigpit nilang tinututukan at binabantayan ang Maute terror group na nagpaplano pa rin na maghasik ng mga terroristic activities sa mga syudad.

 

Binigyang-diin ni Anio, na kaniya ng inatasan ang intelligence community ng AFP para gumawa ng mga kaukulang hakbang para imonitor ang mga teroristang grupo.

 

Ibinungyag din ni AFP chief na may mga programa ding ipapatupad ang militar para mahikayat ang komunidad na tumulong lalo na sa pagreport sa mga presensiya ng mga hinihinalaang terorista.

Read 109 times Last modified on Wednesday, 11 January 2017 08:33

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.