You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPinay DH na sinasaktan umano ng amo sa Saudi, nagpapasaklolo

Pinay DH na sinasaktan umano ng amo sa Saudi, nagpapasaklolo

By  Bombo Tuguegarao Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 12:12

TUGUEGARAO CITY - Umaapela ng tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia na sinasaktan umano ng kaniyang mga amo.

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni Riyah Estopido Postolero na tubong Iloilo at kasalukuyang nakatira sa San Jose del Monte, Bulacan, ilang beses na rin siyang tinangkang molestiyahin ng tatay ng kaniyang amo.

 

Sinubukan daw niyang humingi ng tulong sa kaniyang recruitment agency na Damdam Manpower Services Inc. sa Ermita, Maynila, subalit wala umanong aksiyon sa kaniyang problema.

 

Ayon kay Postolero, ayaw siyang payagang umuwi ng ama ng kaniyang amo kung kaya nagpapasaklolo para ligtas siyang makaalis lalo't pinaghihinalaan din siyang kumukuha sa mga nawawala nilang kagamitan.

 

Maliban pa sa kaniyang seguridad, problemado ang nasabing OFW dahil kailangan umano niyang tutukan ang kalusugan ng kaniyang anak kaya pursigido siyang uuwi.

 

Napag-alaman na dalawang taon ang kontrata ni Postolero kung saan Pebrero 2016 nang magtungo siya sa Saudi Arabia para manilbihan bilang kasambahay.

Read 119 times Last modified on Wednesday, 11 January 2017 15:50

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.