You are here: HomeNews UpdateLatest News'Halos P300-K, natangay ng mga holdaper sa bahay ng OFW sa Iloilo'

'Halos P300-K, natangay ng mga holdaper sa bahay ng OFW sa Iloilo'

By  Bombo Radyo Iloilo Posted in Latest News Wednesday, 11 January 2017 23:56

ILOILO CITY - Inaalam na ng Badiangan Police ang katotohanan sa likod ng alegasyon ng isang ginang na hinoldap ito mismo sa kanilang bahay sa Barangay Bingawan Badiangan, Iloilo.

 

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo sa hepe ng Bandiangan police na si S/Insp. Henry Gaborno, inihayag nito na natangay ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang P235,000 na cash matapos pasukin ang bahay at holdapin si Jingky Ramirez, 37.

 

Ayon sa ginang, unang hiningi ng mga lalaking hindi nito masyadong namukhaan ang kanyang mga alahas ngunit dahil wala siya ng mga ito, cash nalang ang pinakuha sa kanya.

 

Palaisipan naman sa mga otoridad kung bakit walang anumang palatandaan ng puwersahang pagpasok.

 

Napag-alaman pa na malapit ng umuwi ang asawa nitong overseas Filipino worker sa Saudi.

Read 127 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.