You are here: HomeNews UpdateLatest NewsKlase sa Baguio City, kanselado sa Miss Universe event sa Jan. 18

Klase sa Baguio City, kanselado sa Miss Universe event sa Jan. 18

By  Star Fm Baguio Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 03:40

BAGUIO CITY – Idineklara na ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan na kanselado ang klase sa lahat ng antas sa darating na January 18 kaugnay sa pagdating ng Miss Universe candidates sa lungsod.

 

Inilabas ng alkalde ang Administrative Order No. 003 series of 2017, na nagkakansela sa klase, pampubliko man o pribadong paaralan, para sa mainit na pagsalubong ng mga tao sa mga kandidata ng prestihiyosong pageant.

 

Ayon kay Mayor Domogan, marapat na paghandaang maiigi ang natatanging aktibidad na ito dahil isang malaking karangalan ang mapiling isa sa mga lugar sa bansa na dadalawin ng mga kandidata.

 

Sa January 18, magtutungo ang mga beauty queens sa Philippine Military Academy para sa isang breakfast kasama ang mga kadete.

 

Pagkatapos naman nito ay bibisitain nila ang Department of Interior and Local Government.

 

Mula naman sa Panagbenga Park ay sasakay sila sa apat na malalaking float para sa isang parada na dadaan sa Session Road patungong South Drive hanggang sa Baguio Country Club.

 

Maliban sa 32 na mga mga kandidata mula sa iba't ibang bansa, kasama rin sa Baguio leg si reigning Miss Universe Pia Wurtzbach.

 

Pagdating sa Baguio Country Club, magiging bahagi ng ilang aktibidad ang Miss Universe Candidates katulad ng tree planting at strawberry picking, mini-golf tournament at arts and cultural presentation.


Mayroon ding gala dinner kung saan magsisilbing host ng programa si Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup.

 

Dagdag pa ng alkalde, makatutulong ang suspensyon ng klase sa daloy ng trapiko sa araw na iyon.

Read 71 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.