You are here: HomeNews UpdateLatest NewsJBC sa SC: Baliktarin paghirang sa judicial members

JBC sa SC: Baliktarin paghirang sa judicial members

By  Bombo Jerald Ulep Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 03:54

Umaasa ang Judicial and Bar Council (JBC) na tatanggapin ng Korte Suprema ang kanilang mosyon na payagan silang mag-intervene o maging partido sa isyu ng paghirang ng mga bagong miyembro ng hudikatura.

 

Sa mosyon na inihain ng JBC, hiniling nito sa Supreme Court (SC) na baligtarin ang nauna nitong desisyon na nagdedeklarang illegal at unconstitutional ang tinatawag na clustering scheme ng JBC.

 

Ang clustering scheme ay isang sistema kung saan, ang JBC ay pumipili at nagsusumite ng hiwalay na mga listahan ng mga kandidato para sa bawat bakanteng posisyon sa hudikatura.

 

Pero ang mga listahan ay hindi puwedeng paghaluin at dapat pipili lamang ang Pangulo mula sa partikular na listahan na inihanda ng JBC para sa isang partikular na posisyon sa hudikatura.

 

Dahil dito, nais ng JBC na mabawasan ang kapangyarihan ng Pangulo sa pagtatalaga ng mauupong mga miyembro ng hudikatura sa pamamagitan ng clustering scheme.

 

Maalalang sa desisyon ng Korte Suprema noong November 2016, idineklara nito na ang appointing powers ng Pangulo ay hindi maaring limitahan ng clustering scheme ng JBC.

 

Maliban sa hirit ng JBC, hiniling din nila na mag-inhibit ang ponente sa kaso na si Associate Justice Terisita de Castro dahil siya ay naging consultant ng JBC.

 

Read 65 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.