You are here: HomeNews UpdateLatest NewsMister sugatan nang barilin ng misis

Mister sugatan nang barilin ng misis

By  Bombo Radyo Koronadal Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 04:46

KORONADAL CITY - Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Koronadal City PNP sa nangyaring pamamaril ng isang misis sa kanyang mister sa Brgy. Topland sa lungsod ng Koronadal.

 

Kinilala ang biktima na si Stephen Alagos, 37, isang laborer, samantala ang suspek ay ang asawa nito na si Merilyn Alagos, 34.

 

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, ginamit nito ng misis ang .38 caliber revolver sa pamamaril sa kanyang mister habang nagpapakain ng alagang hayop.

 

Hindi naman matukoy kung ano ang rason sa nasabing krimen kung saan matapos ang insidente ay agad itong tumakas.

 

Sa ngayon nagpapagaling pa ang mister nito sa South Cotabato Provincial Hospital.

 

Habang patuloy namang tinutugis ng mga otoridad ang suspek.



Read 77 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 11:04

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.