You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPangmatagalang tulong ng pamahalaan sa mga 'Lawin' victims, isinasapinal na

Pangmatagalang tulong ng pamahalaan sa mga 'Lawin' victims, isinasapinal na

By  Bombo Radyo Tuguegarao Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 04:49

TUGUEGARAO CITY - Kasalukuyan na umanong gumagawa ng kongkretong plano para sa pinal na post disaster needs assesment report sa mga biktima ng supertyphoon Lawin sa Cagayan noong nakaraaang taon.

 

Ayon kay Francis Joseph Reyes ng Office of Civil Defense(OCD) Region II, natapos na ng Regional Risk Disaster Managemet Council ( RRDMC) ang kanilang post disaster needs assessment sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

 

Sa ngayon ginagawan na ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pinal na plano upang mapondohan at maisa-kongkreto ang mga hakbang.

 

Layon nito na maiparamdam sa mga biktima ang pangmatagalang tulong mula sa pamahalaan.

 

Samantala sinabi naman ni Engr. Ferdinand Tumaliuan ng Neda RO2, kailangan ng pangmatagalang solusyon sa mga mamamayan sa problemang idinulot ng bagyong Lawin dahil sa laki ng epekto nito sa kabuhayan lalo na sa lalawigan ng Cagayan.

 

Aniya, bilang tugon ay ginagawa ng kanilang ahensiya at RRDMC ang lahat ng kaparaanan upang makapagbigay ng pang-matagalang tulong sa mga nasalanta.

Read 66 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 11:07

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.