You are here: HomeNews UpdateLatest NewsOFWs sa Qatar, hirap sa pagpasok sa trabaho dahil sa sobrang lamig, kapal ng fog

OFWs sa Qatar, hirap sa pagpasok sa trabaho dahil sa sobrang lamig, kapal ng fog

By  Bombo Radyo Vigan Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 05:05

VIGAN CITY-Hirap man sa sobrang lamig at kapal ng fog sa pagpasok ng trabaho ang mga OFWs sa Doha, Qatar ay wala silang pagpilian kundi magtrabaho pa rin.

 

Ayon kay Leo Marzan, civil foreman ng isang landscape company sa Doha, tatlo-tatlong jacket ang suot nila para maibsan ang nararamdamang lamig mula pa noong nakaraang buwan ng Disyembre.

 

Kung minsan ay mahirap pang magmaneho ng sasakyan dahil sa makapal na hamog.

 

Idinagdag pa ni Marzan na mandatory ang 10 oras na pagtratrabaho nila kung saan ay 2 oras nila ay ovetime.

 

Aniya, nagpapasalamat din siya dahil nakakapakinig siya ng Bombo Radyo via live streaming kaya naiibsan ang lungkot at sabik sa Pilipinas.

 

Ang tag-lamig at pagkapal ng hamog sa Qatar ay tatagal pa hanggang sa susunod na buwan ng Pebrero.

 

Read 132 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 06:17

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.