You are here: HomeNews UpdateLatest NewsPamilya ng namatay na OFW humihingi ng hustisya

Pamilya ng namatay na OFW humihingi ng hustisya

By  Bombo Davao Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 09:03

DAVAO CITY - Hustisya ang sinisigaw ngayon ng mga kamag-anak ng overseas Flipino workers (OFW) na namatay sa Riyadh Saudi Arabia.

 

Una nang nakilala ang biktima na si Leona Bonayog, 48, residente ng Mati City Davao Oriental.

 

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Davao sa kamag-anak ng biktima na si Jesusa Dilla, kanyang sinabi na nagtatrabaho ang kanyang pinsan sa Riyadh Saudi Arabia sa isang salon mula pa noong 2014 ngunit natapos na umano ang kontrata nito noong Hunyo sa nakaraang taon.

 

Sinasabing hindi nakauwi ng bansa si Bonayog dahil kinuha ng kanyang employer ang kanyang mga papeles at dokumento.

 

Naniniwala si Dilla na sinaktan ang kanyang pinsan dahil sa natamong mga paso at sugat sa katawan nito.

 

Humingi na rin ng tulong ang pamilya ng biktima sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) Region-11 ngunit sinabi ng ahensiya na hindi nila mabibigyan ng assistance si Leona dahil noong Hunyo sa nakaraang taon nag-expire ang kontrata nito.

 

Una ng sinabi ni Dilla na huling nakausap ni Bonayog ang kanyang anak noong Disyembre 2, 2016 para ipaalam na magpapadala ito ng kaunting pera ngunit noong Disyembre 3 nalagutan na ito ng kanyang buhay.

 

Napag-alaman na hindi agad binigyan ng sweldo ng kanyang employer ang biktima at naibigay lamang ito sa kanya ng magsumbong sa otoridad.

 

Nabigla ang pamilya ni Leona ng ibinalita sa kanila ng kasamahan nito sa trabaho na patay na pala ito.

 

Sinasabing nilagnat si Bonayog noong Disyembre 3, 2016 dahilan kaya nagpaalam ito sa kanyang kasamahan na hindi muna papasok sa trabaho.

 

Dahil dito pinayuhan si Leona na magpahinga muna sa stock room ngunit pagbalik ng kanyang kasamahan, nasa sahig na ang biktima at wala ng buhay dahilan kaya kinunan niya ito ng litrato at pinadala sa kanyang mga kamag-anak na nasa bansa.

 

Gusto lamang ngayon ni Dilla at sa pamilya ni Leona na isailalim sa autopsy ang bangkay nito para malaman ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Read 108 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.