You are here: HomeNews UpdateLatest NewsOWWA, kumilos na sa kaso ng OFW na nilapastangan sa Saudi

OWWA, kumilos na sa kaso ng OFW na nilapastangan sa Saudi

By  Bombo GenSan Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 11:16

GENERAL SANTOS CITY - Naipaabot na sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang hinaing ng isang OFW na taga-Matalam North Cotabato na umano'y dinukot at pinagtulungang gahasain ng tatlong hindi nakilalang mga kalalakihan sa Dammam, Saudi Arabia.

 

Ayon kay Charles Bataga ng OWWA na magpapadala na sila ng request sa Philippine Embassy at hahanapin ang agency nito kung existing pa para matunton si alyas Grace.

 

Na-contact na rin umano ang mga kamag-anak ng naturang OFW para sa mga karagdagang detalye.

 

Napag-alaman na kahapon lang ay nakahanap ng pagkakataon si alyas Grace, na isa umanong "TNT" sa nasabing bansa, kaya't nakatawag sa Bombo Radyo GenSan.

 

Anya, nagbakasyon ang kanyang amo sa Europe subalit bago ito umalis ay nangakong tutulungan siyang makauwi na ng Pilipinas.

 

Subalit nagkasakit at na-ospital umano si alyas Grace, at nang makalabas ay nakatakda sanang sunduin ng isang kaibigan na doon din nagtatrabaho.

 

Subalit may dalawang foreigner umano ang lumapit sa kanya at nagpakilalang pulis.

 

Pinilit siya ng naturang mga lalaki na sumama sa kanila, at dinala sa isang bahay kung saan siya makailang ulit na pinagtulungang gahasain.

 

Kinabukasan ay may isa pa umanong dumating at sumali na rin panggagahasa sa kanya.

 

Dinala rin umano siya ng tatlong suspek sa isang oil company kung saan siya ilang ulit na pinagtulungang gahasain, kasama ang iba pang mga kalalakihan.

 

Kinuha umano ng mga suspek ang kanyang mga gamit pati mga cellphone.

 

Subalit mabuti na lamang at may isa pang natira na kanyang ginagamit ngayon sa pag-contact sa himpilan, at sa ilang kakilala upang humingi ng tulong.

 

Sa ngayon nakakulong pa rin umano si "Grace" sa naturang hideout ng mga suspek, at umaasang sa lalong madaling panahon ay ma-rescue at makauwi ng bansa lalo pa't may dinaramdam pang sakit.

Read 106 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.