You are here: HomeNews UpdateLatest NewsRegion 1, 'di kasali sa Top 10 na lugar na talamak ang droga - mayor

Region 1, 'di kasali sa Top 10 na lugar na talamak ang droga - mayor

By  Bombo Laoag Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 17:18

LAOAG CITY – Kinumpirma ng presidente ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Ilocos Norte Chapter na si Mayor Erdio Valenzuela na hindi kasali ang Rehiyon 1 sa Top 10 na lugar na talamak ang illegal drug trade sa bansa.

 

Ito ang tiniyak mismo ni Presidente Rodrigo Duterte sa pakikipagpulong niya sa mga alkalde sa buong bansa sa Malacanang kahapon.

 

Subalit ayon kay Valenzuela, walang pinangalanan ang presidente sa mga alkalde na may kinalaman sa iligal na droga dahil sinabi niya na itu-turnover na lamang niya ang listahan kay DILG Undersecretary Catalino Uy.

 

Samantala, umapela ng tulong ang presidente sa mga alkalde para matapos na ang problema ng Pilipinas dahil sa droga.

 

Sinabi ni Mayor Valenzuela na inamin sa kanila ng presidente na hindi niya kayang solusyunan ang illegal drug trade sa bansa kung nag-iisa ito kaya humihingi ng tulong sa kanila.

 

Iniutos pa ng president na gawin nilang mabuti ang kanilang trabaho para magtagumpay ang gobyerno sa kampanya laban sa illegal drogs.

Read 114 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.