You are here: HomeNews UpdateLatest News'Security preps para sa Dinagyang 2017, maraming pagbabago'

'Security preps para sa Dinagyang 2017, maraming pagbabago'

By  Bombo Iloilo Posted in Latest News Thursday, 12 January 2017 18:00

ILOILO CITY - Mas pinahigpit pa ang ipapatupad na security measures para sa pagdaos ng binansagang Best Tourism Event sa Pilipinas na Dinagyang Festival.

 

Kanina ay pinulong na ng Iloilo City Police Office ang nasa 16 na security agencies sa siyudad upang ipasiguro na alerto ang mga guwardiya ng mga ito gayundin ang mga force multipliers at volunteers.

 

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay P/Supt. Rogen Morales, Deputy City Director for Operation, marami rin ang pagbabago sa seguridad.

 

Maliban kasi sa pagtutok sa mga street criminals, pagbabawalan din ang paggamit ng mga backpack bilang counter measure sa mga nagbabalak magdala ng mga kontrabando.

 

May regular din na routine ang K-9 team sa mga places of convergence lalo na sa mga judging areas.

 

Pinag-aaralan din ang posibilidad ng paggamit ng signal jammer sa dalawang araw ng highlight ng Dinagyang Festival.

 

Una ng inanunsyo ng Commitee Chairman on Police Matters and Peace and order sa Iloilo City Council Kagawad Jeffrey ganzon na ipagbabawal ang mga nasa bote at de-latang inumin.

 

Ang tema ng 2017 Dinagyang Festival ay "Dinagyang: See, Feel and Love."

Read 99 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 18:12

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.