You are here: HomeNews UpdateMore NewsBabaeng magpupuslit sana ng shabu para sa asawang detainee, huli sa Zambo

Babaeng magpupuslit sana ng shabu para sa asawang detainee, huli sa Zambo

By  Bombo Mars deSan Posted in More News Thursday, 12 January 2017 17:02

ZAMBOANGA CITY - Sa kulungan na rin ang bagsak ng isang misis na tinangkang magpuslit ng shabu para sa kanyang nakakulong na asawa sa Zamboanga City.

 

Ayon sa Police Regional Office-9, dakong alas-12:45 ng hapon nang bumisita si Michilyn Asaral Sabada, 35-anyos, sa kanyang nakakulong na mister sa selda ng Culianan police station.

 

Pero sa ginawang inspeksyon ng pulis na detailed station guard, napansin umano nito ang kakaibang kinikilos ng babae kaya pinabuksan niya agad ang mga dalang personal na gamit nito.

 

Nadiskubre ang isang pakete ng shabu na pilit na itinatago ng babaeng suspek sa loob ng kanyang dalang pouch.

 

Una rito, kamakailan lamang ay naaresto rin sa isang anti-drugs operation ng mga pulis ang mister ng suspek na kinilalang si Al Asara.

 

Dahil sa pangyayari ay kasama na rin ngayong nakakulong sa nasabing police station ang mag-asawa na may parehong kaso.

Read 84 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 17:06

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.