You are here: HomeNews UpdateMore NewsSuplay ng lumber sa Cagayan para sa 'Lawin' victims, sapat - DENR

Suplay ng lumber sa Cagayan para sa 'Lawin' victims, sapat - DENR

By  Bombo Tuguegarao Posted in More News Thursday, 12 January 2017 18:03

TUGUEGARAO CITY - Sinagot ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 2 ang umano'y kakaunting stock ng lumber sa Cagayan.

 

Sinabi ni Forester Joselito Razon, chief ng enforcement division ng DENR-Region 2, may sapat na supply ang mga lumber dealers dito sa probinsya.

 

Nangangailangan kasi ang maraming mamamayan ng Cagayan ng kahoy para sa kanilang mga bahay na sinira ng bagyong Lawin noong nakalipas na taon.

 

Ayon kay Razon, inaangkat pa ng lumber dealers ang kanilang suplay sa Malaysia at nasa tamang presyo ang lumber na nasa P42 hanggang P47 bawat board feet.

 

Samantala, pinayuhan ni Razon ang mga nangangailangan ng maraming lumber na mas mabuting bumili na lamang sa Maynila para makamura.

 

Hindi aniya kukumpiskahin ang mga nasabing kahoy basta legal ito o may kaukulang shipping documents tulad ng resibo.

 

Tugon ito ng opisyal sa reklamo ni Dominador Caluniya, secretary general ng YMCA Cagayan Valley, na napakamahal ng presyo ng lumber.

 

Sinabi ni Caluniya, nais man sana nila na mas marami ang mabibigyan ng libreng lumber para sa mga nasira ang bahay sa pananasala ni "Lawin" ay kakaunti lang ang nabibili ng kanilang pondo dahil sa mataas na presyo ng kahoy.

 

Kung maaalala, marami rin ang nagreklamo matapos ang pananalasa ng bagyong Lawin"dahil sa biglang pagtaas ng presyo ng construction materials.

Read 73 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.