You are here: HomeNews UpdateSports NewsP3-B fight fund ni Pacquiao sa Phl, OK sa DOT basta may kondisyon

P3-B fight fund ni Pacquiao sa Phl, OK sa DOT basta may kondisyon

By  Bombo Jovino Galang Posted in Sports News Thursday, 12 January 2017 05:27

Nagbigay nang kondisyon si Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo kay Senator Manny Pacquiao na kanilang pagbibigyan ang hiling nito na P3 billion para sa laban nito sa bansa.


Sinabi ni Teo na maaaring pagbibigyan ito ng kanilang opisina kapag may napiliing magandang laban ang Filipino boxing champion.


Kapag maganda kasi ang makakalaban nito ay mababawi nila ang ilalabas na pera.


Magugunitang ibinunyag ni Teo na kinausap siya ng senador na humihingi ng nasabing halaga para sa laban nito sa buwan ng Nobyembre.

 

Sinabing pupuwede ang P3 billion kung si Floyd Mayweather Jr. o kaya si Juan Manuel Marquez ang muling makakalaban ng boxing icon.

 

Magtatapos na rin kasi ang kontrata ng eight-division world champion sa Top Rank Promotions kaya naghahanda na rin ito na tuluyang isabit ni Pacman ang kanyang gloves para sa tunay na retirement.

Read 222 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 10:21

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.