You are here: HomeNews UpdateTop Stories4 sugatan sa pagsabog malapit sa bahay ng mayor

4 sugatan sa pagsabog malapit sa bahay ng mayor

By  MRDS Posted in Top Stories Monday, 06 May 2013 12:11
ZAMBOANGA CITY - Apat ang sugatan sa nangyaring pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa harap ng bahay ni Lamitan City Mayor Roderick Furigay sa lalawigan ng Basilan.
 
Ayon sa report ng Basilan Provincial Police office, nagsasagawa ng campaign rally pasado alas-10:00 kagabi ang grupo ni Mayor Furigay na tumatakbong pagka-vice mayor kasama ang kanyang misis na siyang kandidato rin sa pagka-mayor ng lungsod nang hagisan ng IED ang lugar ng isang lalaki.
 
Nabatid na ang apat na nasugatang biktima ay mga nagsisilbing supporter ng mag-asawa.
 
Wala pang pagkakakilanlan ang suspek sa insidente at inaalam din ng otoridad kung ano ang posibleng motibo nito sa pagpapasabog ng naturang bomba.
 
Kaugnay nito, mariing kinondena ni Basilan Archbishop Martin Jumoad ang panibago na namang insidente ng pagpapasabog sa nasabing lungosd.
 
Bago ito nito lamang nakaraang buwan, dalawang magkasunod na pagsabog ng bomba nangyari sa lungsod kung saan isa rito ay sumabog malapit din sa bahay ni Lamitan City Vice Mayor Arleigh Eisma na tumatakbo ring pagka-alkalde habang ang isang bomba ay sumabog naman malapit sa isang simbahan.
 
Hiniling ni Jumoad na sana matapos na ang sunud-sunod na kaguluhan na nangyayari sa lungsod na maaaring dahil lamang umano mainit na isyu ng pulitika. (MRDS)
 
Read 391 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.