You are here: HomeNews UpdateTop StoriesBatikos ni FVR, ayaw nang patulan ng Palasyo
Error
  • JUser: :_load: Unable to load user with ID: 574

Batikos ni FVR, ayaw nang patulan ng Palasyo

By  Bombo Reymund Tinaza Posted in Top Stories Tuesday, 25 February 2014 09:00
ex-Pres. FVR ex-Pres. FVR

Hindi na pinatulan pa ng Malacañang ang patutsada ni dating Pangulong Fidel V. Ramos hinggil sa kaliwa't kanang problema ng bansa sa ilalim ng Aquino administration.

 

Ginawa ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang pahayag matapos pasaringan ni Ramos si Pangulong Aquino sa mga problemang panlipunan at kawalan umano ng aksyon kung saan mistulang "ticking bombs" na sasabog anumang oras.


Una nang inihayag ni Ramos sa wreath-laying ceremony sa Fort Bonifacio bilang bahagi ng paggunita sa ika-28 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na lalong lumubha ang kahirapan, lumawak ang pagitan ng mayaman at mahihirap, gayundin ang mataas na presyo ng mga bilihin, korupsyon, "poor governance" at pamamayagpag ng dinastiya at mga tinaguriang "oligarchs."

 

Giit ni Valte, kinikilala at hindi naman pinapabayaan ng administrasyon ang nasabing mabibigat na problema at mga isyu.


Nagpapatuloy din daw ang paghahanap ng pamahalaan ng mga solusyon at programa para matugunan ang naturang mga suliranin ng mamamayan.

 

“The administration is aware of the country’s problems and the issues we face. We continue to strive to find solutions and programs to address these needs,” ani Valte.

Read 652 times Last modified on Tuesday, 25 February 2014 12:27

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.