You are here: HomeNews UpdateTop StoriesBagyong Fabian, nabuo sa may Zambales - Pagasa

Bagyong Fabian, nabuo sa may Zambales - Pagasa

By  Posted in Top Stories Thursday, 20 June 2013 11:43
Bagyong Fabian Bagyong Fabian Pagasa

Tuluyan nang lumakas at naging bagong bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa kanlurang bahagi ng Metro Manila.

 

Tinawag ito ng Pagasa bilang bagyong Fabian na siyang ika-anim na sama ng panahon para sa taong 2013.

 

Huling namataan ang bagong sama ng panahon sa layong 290 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales.

 

Taglay nitong ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras, habang kumikilos ng pahilaga, hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

 

Bukas ng umaga ay inaasahan itong nasa 350 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Norte.

 

Nilinaw ng Pagasa na hindi ito direktang dadaan sa kalupaan ng ating bansa, gayunman ay maghahatid umano ng matinding mga pag-ulan sa Palawan, Metro Manila, Central at Northern Luzon.

Read 1173 times

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.