You are here: HomeNews UpdateTop StoriesSangkot sa Las Piñas hazing, hawak na ng PNP

Sangkot sa Las Piñas hazing, hawak na ng PNP

By  Bombo Jerald Ulep Posted in Top Stories Thursday, 12 January 2017 00:27

Hawak na ng PNP ang pangalan ng 15 katao na umano'y miyembro ng Tau Gamma Sigma na sangkot sa hazing na muntik nang ikinamatay ng isang estudyante ng Lyceum of the Philippines University sa Manila.

 

Ayon sa PNP, ang mga pangalan ay ibeberipika pa ng mga otoridad kung kasali nga sila sa pagbugbog kay Larissa Colleen Alilio, isang tourism major student ng Lyceum.

 

Ang 18-anyos ay anak ni Mayor Eulalio Alilio ng Lemery, Batangas.

 

Una rito, sinabi raw ni Alilio na mahigit 40 na katao ang bumugbog sa kanyta sa isang abandonadong bahay sa F. Ocampo Avenue, Barangay Pamplona Tres sa Las Piñas.

 

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng mga otoridad na painuman ang sinasabing abandonadong bahay at ilang ulit na itong ipinasara ng mga opisyal ng barangay.

 

Sa ngayon ay nagsampa na ng kaso ang mga magulang ng biktima habang patuloy namang iniimbestigahan ng pamunuan ng Lyceum of the Philippines University kung estudyante nila ang mga sangkot sa hazing.

Read 216 times Last modified on Thursday, 12 January 2017 06:15

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.