Umakyat sa mahalagang yugto ang pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos magbigay ng kaniyang testimonya sa impeachment court si Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez, ang chief of staff ng Office of the Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon kay Atty. Adonis Gabriel, isang legal expert at propesor sa San Beda University (SBU), naging krusyal ang pahayag ng opisyal ng BIR dahil pormal na naipakita sa korte ang opisyal na kita ng Bise Presidente, ng kaniyang kabiyak na si Atty. Manases “Mans” Carpio, at ng mga kumpanyang mayroon silang interes sa negosyo.
Iginiit ng legal analyst na dahil sa mga ipinakitang dokumento at probatibong ebidensya mula sa BIR, tila lalo pang lumilinaw at nagkakakarga ng argumento ang mga alegasyong inihain ng prosecution panel laban sa Bise Presidente.
Muling nagbigay ng panibagong direksyon ang mga pampublikong ulat at ebidensya ukol sa financial transparency habang patuloy na sinusuri ng mga senador bilang senator-judges ang panig ng magkabilang kampo sa nagpapatuloy na pilitis.
















