Pumalo sa mahigit P153 milyong halaga ng kaukulang interbensyon ang inilaan ng Department of Agriculture-Bicol na layong matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon.
Ginawa ito ng ahensya kasabay ng pagdiriwang ng Agri-Fiesta 2024 sa munisipalidad ng Camalig sa lalawigan ng Albay.
Sa isang pahayag, sinabi ni Adelina A. Losa, Chief of Agribusiness and Marketing Assistance Division, nakahanda na ang mga hanay ng programa at ang pagpaabot ng tulong sa mga magsasaka sa naturang lalawigan.
Kasama sa inilaan ng ahensya ang mga sumusunod;
P78 milyong halaga ng Rice Hybrid Palay Seeds
P53 milyong halaga ng Fertilizer Discount Voucher
P4.3 milyon para sa Rice Farmers Financial Assistance,
P4.9 milyong halaga ng garden tools para sa high value crops
P1.7 milyon para sa Quick Response Fund
P8.3 milyong interbensyon para sa mga mais at cassava
P714,000 halaga ng biik
P2 milyon para sa National Urban and Peri-urban Agriculture Program.
Nagpasalamat rin ang aabot sa 800 na mga magsasaka na bahagi ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
Bawat isa sa kanila ang nakatanggap ng tig P5,000.
Sinabi pa ng ahensya na ang hakbang na ito ay kaugnay pa rin sa selebrasyon ng “Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda” ngayong kasalukuyang buwan.