-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Department of Budet and Management (DBM) ang paglalabas ng P3 billion pondo para sa pagkumpuni at rehabilitasyon sa mga gusali ng mga paaralan sa elementarya at sekondarya.

Sa isang statement sinabi ng DBM na ang P1.861 billion ay inisyal na inilabas mula sa kabuuang authorized appropriations na P4.911 billion na gagamitin para sa rehabilitasyon, renovation, pakumpuni at pagpapaganda ng mga gusali sa mga paaralan sa kindergarten, elementarya at sekondarya alinsunod sa Repair All Policy.

Ang naturang pondo na hiniling ng Department of Education ay ibibigay sa DPWH sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

Inihayag naman ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na ito ay isa sa mahigpit na tagubilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng disente at komportableng pasilidad ang mga estudyante upang maayos na makapag-aral ang mga ito.