-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Masayang nakihalubilo sa mga kabataan si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. TaliΓ±o-Mendoza kasabay ng kanyang pagbisita sa bayan ng Arakan upang ibigay ang 2022 State of the Children Address ng probinsya.

Sa kanyang mensahe inihayag ng gobernadora ang mga hamong patuloy na hinaharap ng mga lokal na opisyales katuwang ang mga partners mula sa iba’t ibang ahensya upang maitaguyod at mapagtagumpayan ang pagsulong ng karapatan at kapakanan ng mga kabataan sa lalawigan.

Binigyang diin nito ang apat na Pangunahing Karapatan ng mga kabataan na siyang naging batayan ng kanyang administrasyon sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at proyekto na may kinalaman sa pagtataguyod ng mga ito.

Ang mga karapatang ito ay ang “Karapatang mabuhay, umunlad, maproteksiyunan, at marinig ang kanilang tinig.”

Buong sigla ring pinangunahan ng Ina ng Lalawigan ang may higit sa 1,000 na mga batang nagmumula sa ikalawang Distrito ng Probinsya para sa sabayang pagbigkas ng “Panatang Makabata” pati na rin ang pamimigay ng mga munting pamasko na labis nagbigay saya sa mga ito.

Binigyan din ng parangal ang mga natatanging local government units (LGUs) sa probinsya na naging matagumpay sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo na tumutugon sa kapakanan at karapatan ng mga kabataan.

Dumalo sa aktibidad ang mga magulang, mga lokal na opisyal ng Arakan sa pangunguna ni Mayor Jeam D. Villasor at mga Myembro ng Sangguniang Bayan at mga opisyales mula sa iba pang mga LGUs sa probinsya.

Bilang bahagi ng State of the Children Address ng gobernadora na isinagawa sa Arakan Municipal Gym.

Magkakaroon din ng Children’s Congress na lalahukan ng apat na mga representante sa bawat LGU mula sa sektor ng Bangsamoro, Kristyano, Indigenous People (IP) at Person with Disability