-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dahil sa matagumpay na pagsisikap na gawing 100% smoke-free na kapaligiran ang mga ahensya ng gobyerno tumanggap nitong Martes December 13, 2022 sa Villa Amor Hotel, Koronadal City, South Cotabato ang probinsya ng Cotabato ng 3 Red Orchid Awards mula sa Department of Health Center for Health Development ng Region 12 (DOH-CHD XII).

Kabilang sa mga tumanggap ng parangal mula kay Local Health Systems Development (LHSD) Chief

Dr. Amebella G. Taruc at Non-Communicable Program Cluster Head Dr. Ademilca Gangoso ng DOH-CHD XII ay ang mga ospital mula sa lalawigan ng Cotabato ay ang Dr. Amado Diaz Provincial Foundation Hospital (DADPFH) ng Midsayap para sa unang parangal, Aleosan District Hospital (ADH) ng Aleosan sa pangalawang pagkakataon habang ang M’lang District Hospital (MDH) ng bayan ng M’lang naman ay tumanggap ng ikatlong parangal at kabilang na sa Red Orchid Award Hall of Fame.

Ang nasabing parangal ay bahagi ng mas pinalakas na programang pangkalusugan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza, sa ilalim ng Tobacco Control Program ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) at sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ng mga nasabing bayan.

Ang Red Orchid Award ay taonang ginagawa sa pangunguna ng DOH kung saan layunin nito na palakasin pa lalo ang pagsisikap na maipatupad ang 100% smoke-free na kapaligiran sa lahat na mga ahensya ng gobyerno.

Ito ay sinimulan noong 2009, isa sa pinakamatagal na programa at insentibo ng DOH para sa mga local na pamahalaan na nagpapatupad ng absolute smoking ban batay sa sustainability ng kanilang komprehensibong pagsisikap sa anti-smoking campaign.

Dumalo sa nasabing programa sina ADH Head Dr. Marie Jane G. Apusaga, OIC MDH Head Dr. Rowena C. Pascua, DADPFH Chief Nurse Joanna J. Guleng, IPHO Representative Benjamin Obrero at mga Tabacco Control Program Coordinators ng bawat hospital upang tanggapin ang mga nasabing parangal.