CENTRAL MINDANAO-Naging matagumpay ang isinagawang Contingency Planning for Earthquake Incident ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa Municipal DRRM Council ng Midsayap, Cotabato.
Ang contingency planning ay naglalayon na palawakin ang kaalaman ng mga MDRRMOs at iba pang stakeholders lalo na sa larangan ng disaster preparedness at response na isa sa mga prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ang pagsasagawa ng naturang aktibidad ay bahagi ng 12-point agenda na Disaster Preparedness, Response and Resilience
ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza na nakatutok sa pagbuo ng mga programa at pagsasanay na makakatulong sa paghahanda ng lalawigan sa anumang kalamidad at sakuna.
Nakiisa din dito ang mga opisyales ng LGU Midsayap, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Kabalikat Radiocom, HAUMAN Foundation at Department of Education.