CENTRAL MINDANAO-Bilang pasasalamat sa pagsisikap at kontribusyon ng Barangay Peace Keeping Action Teams (BPAT) sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa kanilang komunidad namahagi ng insentibo para sa nasabing grupo ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ngayong umaga ang grupo ng serbisyong totoo team sa pangunguna ng Provincial Treasurer’s Office ay namahagi ng P1,405,000 na insentibo para sa 1,405 BPATs mula sa bayan ng Kabacan, Carmen, at Banisilan na ginanap sa Kabacan Municipal Gymnasium at Banisilan Municipal Gymnasium.
Personal na pinasalamatan ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos ang mga BPATs sa kanilang tulong hindi lamang sa pagpapanatili ng katiwasayan at kapayapaan sa kanilang barangay kundi pati na rin sa naging kontribusyon nito sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic at sa suporta nito sa adbokasiyang serbisyong totoo sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” TaliΓ±o Mendoza.
Nakiisa rin sa nasabing distribusyon sina Board Members Jonathan Tabara, Joemar Cerebo at Kabacan Mayor Evangeline Guzman.
Ngayong hapon ay makakatanggap din ng insentibo ang mga BPATs mula sa bayan ng Matalam, Tulunan at M’lang.