CENTRAL MINDANAO-Nagpaabot ng kanyang pagbati si Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa mga kawani at bumubuo ng Home for Women and Children of Cotabato Province (HWCCP) matapos nitong matanggap kamakailan ang Certificate of Accreditation mula sa Department of Social Welfare and Development Bureau of Standards.
Nakasaad sa sertipiko na pirmado ni DSWD Undersecretary for Standards and Capacity Building Group Denise Florence B. Bragas, MD, FPAFP na pumasa sa itinakdang standard ng ahensya ang HWCCP lalo na sa implementasyon ng Center-Based Residential Care Programs and Services to Women and Children at Risk.
Ito ay matapos makumpleto ng HWCCP ang lahat ng rekisitos na itinakda ng DSWD na nakabatay sa Memorandum Circular No. 17 Series of 2018 o ang โRevised Guidelines Governing the Registration and Licensing of Social Welfare and Development (SWD) Agencies and Accreditation of SWD Programs and Services.โ
Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Provincial Social Welfare and Development Acting Head Arleen A. Timson, RSW kay Governor Mendoza sa suporta at malasakit nito lalo na sa mga kabataang biktima ng karahasan at pang-aabuso na kinukupkop ng nasabing pasilidad.
Kabilang sa mga interbensyong ibinibigay ng HWCCP ay ang pag kustodiya at pag protekta sa mga kabataang biktima ng karahasan at pang-aabuso habang nililitis pa sa korte ang kanilang mga kaso at ang pagbibigay sa kanila ng psychological at psychosocial na suporta upang matugunan ang masamang karanasang kanilang dinanas.