-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sinaksihan ni Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo Mendoza ang pagbubukas ng womenโ€™s month celebration sa bayan ng Libungan, Midsayap at Aleosan, Cotabato.

Sa kanyang mensahe, inilahad ni Mendoza ang hirap na pinagdaanan ng mga kababaihan mabigyan lamang ito ng pantay na karapatan at opotunidad sa lipunan. Kinilala din nito ang kontribusyon ng bawat Cotabateรฑa sa pagsusulong ng isang maunlad, matatag at mapayapang lalawigan.

Ayon sa gobernadora, โ€œatoang hinumduman nga ang lalaki ug babae parehas lang sa mata sa gobyerno, sa mata sa balaod ug sa mata sa Ginoo.โ€

Nabanggit din nito sa nasabing okasyon ang tungkol sa House Bill 6728 o ang Menstruation Leave Act para sa mga kababaihan na isinusulong ngayon sa kongreso ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos na magbibigay ng dalawang araw na panahon ng pahinga sa mga kababaihang dinadatnan ng kanilang buwanang dalaw.

Ang pagbubukas ngayong araw ng womenโ€™s month celebration sa nasabing mga bayan ay dinaluhan nina Board Members Roland Jungco at Sittie Eljorie Antao-Balisi, DSWD XII Regional Director Loreto Cabaya, Libungan Mayor Angel Rose Cuan, Midsayap Mayor Rolly Sacdalan, Aleosan Mayor Eduardo Cabaya, Former Boar Member Rosalie Cabaya at iba pang opisyal ng bayan.

Tema ng women’s month celebration 2023: ” We for Gender Equality and Inclusive Society.”