CENTRAL MINDANAO-Pinarangalan bilang pang dalawampu’t limang (25) Most Competitive Province sa buong Pilipinas at pangalawa (2nd) naman sa buong SOCKSARGEN Region sa katatapos lamang na Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) 2022 Regional Awarding sa General Santos City ang lalawigan ng Cotabato.
Ang parangal ay iginawad ni Department of Trade and Industry (DTI) XII OIC-Regional Director Flora P. Gabunales na malugod namang tinanggap ni 1st District Board Rolando D. Jungco bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza.
Tumanggap naman ng Certificate of Commendation mula sa DTI si Cotabato Province Investment and Promotion Center (CPIPC) Head Norito T. Mazo dahil sa dedikasyon nito bilang competitiveness coordinator sa buong lalawigan.
Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Governor Mendoza, dahil out of 82 provinces nationwide nakuha ng probinsya ang pang 25 pwesto.
Pinasalamatan din nito ang lahat ng mga indibidwal, ahensya at kawani ng probinsya sa pagsisikap nitong mapalago ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga programa na makakatulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ang CMCI ay isang annual ranking na pinapangunahan ng DTI katuwang ang National Competitiveness Council through the Regional Competitiveness Committees (RCCs) sa tulong na rin ng United States Agency for International Development na ang pangunahing batayan ay ang 5 Pillars of Competitiveness na kinabibilangan ng Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, and Innovation.