-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- “Kami na mga BPAT sang Pigcawayan gapasalamat gid kay Gob. Lala sa paghatag niya sa amon sang cash gift. Gamay nga kantidad pero dako na gid ang mabulig sa amon.”

Yan ang naging mensahe ni Josephine Salcedo, 57, BPAT ng Barangay North Manuangan, Pigcawayan Cotabato matapos matanggap ng insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.

Sa ikatlong araw na pamamahagi ng insentibo abot sa 3,529 na Barangay Peace Action Team (BPAT) o may kabuoang halaga na P3,529,000 ang naibigay ng mga personahe ng Provincial Treasurer’s Office sa mga frontliners ng unang distrito ng probinsya.

Sa kabuoan naglaan ng pondong P9,880,000 ang provincial government para sa insentibo ng 9,880 na barangay tanod o BPAT ng probinsya na malaki ang papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa barangay.

Nagpapasalamat naman si Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa pamamagitan ni Former Board Member Rosalie Cabaya sa itinuturing nitong “abantero sa kalinaw” sa sakripisyo at kontribusyon nito lalo na noong kasagsagan ng pandemiya at sa panahon na mayroong mahahalagang okasyon o emergency sa barangay na kailangan ang kanilang presensya.

Ngayong araw kabilang sa mga bayan na nabigyan ng BPAT incentives ay ang Alamada, Pigcawayan, Libungan, Midsayap, Aleosan at Pikit.

Ang pamamahagi ay sinimulan noong Lunes, Disyembre 26 sa ikatlong distrito, sinundan ito kahapon sa ikatlong distrito at ngayong araw naman ay sa unang distrito ng probinsya.