-- Advertisements --
Aabot sa ₱1.2M halaga ng tuition ang ibinabayad umano ng mga Chinese student sa mga unibersidad sa lalawigan ng Cagayan para makapag-aral.
Ikinababahala naman nito ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo.
Ayon kay Cong. Tulfo, lumabas na nag eenrol ito gamit ang naturang halaga partikular na sa St. Paul University sa Tuguegarao.
Naniniwala ang mambabatas na ang ganitong isyu ay banta sa seguridad ng bansa maging sa mga mamamayang Pilipino.
Giit ng House Deputy Majority leader, ito ay marapat lamang na maimbestigahan upang matukoy ang kanilang mga financial transaction sa bansa.
Kinumpirma naman nito ang presensya ng mga Chinese national sa naturang lungsod ng ito ay nagtungo sa lugar.