-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa ₱108,000,000.00 ang nakumpiskang 16-kilo ng suspected sa shabu ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga kasama ang kanilang mga tauhan sa provincial offices nila sa Agusan del Norte at Sur.

Ito’y sa inilunsad nilang drug buy-bust operation kaninang alas-6:40 ng umaga (Lunes, Enero a-27) sa Purok 1, Brgy. Sta. Irene, Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur.

Nakuha ito mula sa posisyon nina Octomar Demetrio, 32-anyos, residente ng Brgy. Baan Km. 3, nitong lungsod ng Butuan at Janray Cala, 22-anyos, residente naman ng Purok 5, Brgy. Doña Rosario, sa bayan ng Tubay, Agusan del Norte na naaresto kaagad sa nasabing operasyon.

Kasama sa mga nakuha mula sa kanilang posisyon ang dalawang cell phones na pag-aari ni Cala, isang bag na may lamang mga assorted plastic, isang glass pipe at limang digital weighing scale.

Ang naturang mga ilegal na druga ay binalot ng selyadong plastic bags ng Lazada at J&T Express couriers.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II sa Republic Act 9165 ang kakaharapin ng mga suspetsado.