Pumapalo na sa kabuuang 276-million ang halaga ng tulong na naihatid ng Department of Social Welfare and Development sa mga lugar at indibidwal na naapektuhan ng nagdaang habagat at bagyo Carina sa bansa.
Ayon sa ahensya, kabilang sa kanilang naiabot ay mahigit isang milyong family food packs sa mga apektadong residente.
Kinabibilangan ito ng Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at maging ang Bicol Region.
Kasabay rin na ipinamamahagi ngayon ng DSWD ang humanitarian aid donations na nagmula sa United Arab Emirates.
Sa ngayon ay sinimulan na rin ng ahensya partikular ng kanilang mga DSWD Field Office ang pamamahagi ng pinansyal na tulong para sa pamilyang nasiraan ng bahay dahil sa bagyo.
Bawat pamilya at nakatanggap ng tig-₱20,000 na maaaring gamitin upang makabangon silang muli nula sa epekto ng kalamidad.
Batay sa datos ng ahensya, as of 6am kanina, sumampa na sa mahigit 1.3 milyong pamilya o 4.6-milyon na indibidwal ang naitalang naapektuhan ng Carina at habagat.
Nananatili pa rin sa ngayon sa mga itinalagang evacuation center ang higit 5,000 pamilya katumbas ng higit 19,000 na indibidwal.