Umakyat na sa kabuuang ₱380 milyon ang halaga ng tulong na ipinaabot ng Department of Agriculture sa mga apektadong magsasaka dahil sa El Niño na umiiral sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni DA Spox Asec. Arnel de Mesa, na kasama sa mga ipinaabot nilang tulong ay high-value crops na nagkakahalaga ng abbot sa P900,000.
Ito ay ipinamahagi sa mga apektadong magsasaka sa Iloilo at Negros Occidental.
Bukod dito ay namigay rin ang ahensya ng ₱7.87 milyong halaga ng hybrid rice seeds at ₱7.6 milyong halaga ng fertilizers sa Western Visayas.
Nakinabang naman ang aabot sa 71,795 na mga magsasaka sa MIMAROPA sa financial assistance na ipinamahagi ng DA.
Sa ilalim ito ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program MIMAROPA Region na may kabuuang pondo na ₱362.56 milyon.
Sinabi pa ni De Mesa na patuloy pa rin ang kanilang isinasagawa ng cloud seeding na nag resulta naman sa mga kaunting pag-ulan sa lugar Southern Cagayan at Northern Isabela.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, aabot sa ₱1.75 bilyon ang naging pinsala ng El Niño sa walong rehiyon sa Pilipinas.