Kumpiyansa ang Department of Finance na tuluyan nang maisasapinal ang ₱55.7-billion pesos na loan agreement ng Pilipinas at Japan.
Ito ay para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway project ngayong susunod na buwan ng kasalukuyang taon.
Ginawa ni Finance Secretary Ralph Recto ang naturang pahayag kasabay ng naging pagbisita nito sa Official Development Assistance (ODA) projects.
Layon nitong matiyak ang maayos na pagpapatupad ng kauna-unahang subway sa Pilipinas.
Giit ng opisyal na nananatili silang committed upang matiyak ang pondo para sa third tranche ng financing ngayong Marso.
Sinabi pa ni Recto na ang fourth at fifth tranche na nagkakahalaga ng ₱151-billion ay patuloy pa ring sumasailalim sa negosasyon .
Ang subway 1st tranche ay nagkakahalaga ng ₱38.8-billion habang ang second tranche ay tinatayang nasa ₱94.1-billion. batay na rin sa DOF.
Ang Metro Manila Subway Project ay tinaguriang Project of the Century” ay inaasahang makakapaghatid ng serbisyo sa 370,000 na pasahero kada araw .
Ayon sa ahensya, ito ay mangyayari sa unang taon ng operasyon nito.